Classes and Work Suspension
PDRRMO Nueva Ecija | 09/13/2018


Alinsunod sa mungkahi ng PDRRMC, upang matiyak na makumpleto ang kinakailangang paghahanda ng lahat sa maaaring pinsala na idudulot ng di pangkaraniwang bagyong si "Ompong" dito sa ating lalawigan, gayon na din bilang pangangalaga sa ating mga mag-aaral, ang ating Punong Lalawigan, Gob Cherry Umali, ay nagdedeklara ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa ating lalawigan, pribado at pampubliko, gayon din ang pagpasok sa trabaho ng mga kawani sa lahat ng tanggapan sa lalawigan, pribado at sa gobyerno, simula bukas, araw ng Byernes, hanggang sa Sabado, ika-14 at 15 ng Setyembre, 2018, maliban sa mga maitatalagang kawani ng mga pangunahing tanggapan o frontline services ng gobyerno upang makatugon sa maaaring pangangailangan sa kanilang tanggapan dulot ng bagyo.

Pinapayuhan po ang lahat para sa ibayong pag-iingat.

Sources:
https://www.facebook.com/r3pdrrmonuevaecija1/photos/a.1321521284594597/1967366353343417/?type=3&theater
https://www.facebook.com/PGNEOfficial/photos/a.1206949962649532/2146365122041340/?type=3&theater